Pasilip sa sulat
ui, brthday mo na.
reregaluhan ba kita? aayain ba kita lumabas? icecelebrate ko ba ang birthday mo?
bakit? kasi i was glad you were born? ikaw na second person ko, ang ikaw sa lahat ng kwento ko, ikaw na pinaniwala akong pinanganak para sa akin? kasi because you were born, nagkaroon ng sense ang buhay ko, nagkaroon ng purpose, nagkaroon ng laman? dahil nang dahil sayo natuto akong magmahal, natuto akong masaktan, natuto akong makaramdam at wag makaramdam?
masaya nga ba ako na ipinanganak ka?
sinusubok kong isipin ang buhay ko kung di kita nakilala. siguro hindi ako naging ganito ka-damaged. siguro rin di ako naging ganito ka-wise. siguro nanatili pa rin ako sa pink-at-gold- kong buhay, buhay na walang problema, walang pagsubok, walang saysay. siguro hindi ako nag-grow.
but see, i’ve grown. a lot. i’ve grown with or without you physically by my side. but the most important thing, ive grown because of you. Ha, you’ve forced me to grow.
Ganon pala pag nagmamahal ka, no? kailangan mong mag-grow. Ang pagmamahal pala ang pinakamabisang paraan para mahugot ka mula sa pagkabata papunta sa mabilisang pagiging adult. Kaya ka pala binigay ni God sakin. Kaya ka pala pinanganak.
Siguro maraming ibang rason kung bakit ka pinanganak. Siguro you are meant to make a huge difference, siguro pinanganak ka para mahalin ang bansa at Diyos mo, siguro pinanganak ka para sa ibang tao. But whatever great thing you are meant for, you are already a great thing for me. Oo, masaya ako na pinanganak ka.
Pero, masaya rin ako kasi hindi na pala kita mahal.
That one person in the entire world who celebrates your birthday with you and say,
“Hey, I’m glad you were born.”
-28 Days (2002)








hehehe. Kilala ko ba to? Kilala pa ba kita?
bakit, hindi na ba ako ako kung hindi ko sya mahal?:)
at poont, paki-post sa url blog mo… chinese ksi di ko matandaan.;p
ps. tagalog kasi nalate sa buwan ng wika.;p hehe
hay ate… tangenang birthday blues ano? ayun lang.
(scratches head) what’s up with people whose birthdays are just days away?! talaga bang kelangan malungkot? hay naku, kung ganyan din lang..hindi na ko kakanta ng “HAPPY” birthday! “GLOOMY” birthday na lang!
dude. hiramin ko yung pamosong linya mo ha?
“OHMAYGARSH!” (sabay takip sa bibig at lundag paatras)
Epiphany na nga ba itu, bes? Sure na? Ultimo na ba ititch?
awooo…
(nagpaparamdam lang)
good one!
[...] I can’t believe it’s been an entire year since I wrote that pathetic little entry Pasilip sa Sulat. Has it been that long? Feels like an entire lifetime ago. It sure feels great to be free! No more [...]
big words and 3 mugs of coffee. « complete guide to insanity: chapter one said this on 7 September, 2007 at 2:39 am |